"Sa huli'y naunawaan kong ang pagiging babae ay walang katapusang pakikibaka para mabuhay at maging malaya."



Sunday, January 07, 2007

Calendars

Mahilig akong mangolekta ng mga kalendaryo tuwing sasapit ang kapaskuhan. Nuong isang taon, iilan lang ang nakuha ko. Pero ngayon, marami-rami. Dalawa ang inilagay ko sa sala, bukod pa yung desk calendar na narito sa computer table ko. Tapos sa kuwarto, tapos sa kusina. Marami pang iba. Masaya ko kasi mayroon na akong Mercury Drug calendar ngayon. Nuong isang taon kasi ay naubusan ako. At siyempre, katulad ng taun-taon, mayroon ako from National Bookstore. Nagbigay din by mail ang PLDT. At yung pinakagusto ko, yung commercial calendar na ipinamimigay ng kalapit naming supermarket. Oo yung malalaki ba ang numbers? Iyon nga. Kasi naroon kung kailan full moon, new moon, first quarter at last quarter. Naroon din ang impormasyon sa high/low tide at legal holidays in the Philippines. Gusto ko rin iyong mayroong sunrise/sunset time at kaarawan ng mga saints. Iyon lang ay nasisiyahan na ko. Minsan ang babaw talaga ng kaligayahan ko. Minsan.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home